“SINAGTALA” Movie, Now Showing!

by By David Ferro “HappyRichTV”

Sinagtala is more than just a story—it is a reflection of real lives and real struggles. In a world where many are The Sinagtala Movie ay hindi basta kwento lamang—ito ay salamin ng tunay na buhay at damdamin. Sa panahon ngayon, marami ang nakararanas ng matinding lungkot, depresyon, at pakiramdam na tila walang nagmamahal o nagmamalasakit sa kanila. Ang pelikulang ito ay kwento ng pag-asa.

Sa unang bahagi, makikilala natin ang isang grupo ng magkakaibigan na nangangarap maging mga rockstar—nakatuon sa kasikatan at sariling tagumpay. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nasira ang kanilang samahan. Dahil kung ang pundasyon ay hindi matibay, madaling mabuwag kahit ang pinakamagandang pangarap.

Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat.

Sa ikalawang bahagi, makikita natin ang pagbabago nang si Kristo na ang naging sentro—ng kanilang banda, musika, at buhay. Mula sa musika ng pansariling kapurihan, naging awitin ito ng pag-asa, paghilom, at layunin. Ang mga kanta nila ay nagsimulang maghatid ng mensahe ng buhay sa mga sugatan, paalala ng pag-ibig ng Diyos na kailanman ay hindi nagmamaliw.


“Nguni’t ipinakikita ng Dios ang Kaniyang pagibig sa atin, na, nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.”
(Roma 5:8, Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)


Sa pag-ibig Niya, tayo ay binabago, hinuhubog, at binibigyan ng dahilan upang mabuhay. Sa Kanya, natatagpuan natin ang tunay na pamilya—hindi basta umaalis, kundi nananatili, nagbibigay-lakas, at nagmamahalan sa hirap man o ginhawa.

The trailer of the inspirational movie about the Sinagtala Inspirational Band.

“Rise Above” — isa sa mga orihinal na awitin sa pelikula at inawit ng Rouge Band (R-O-U-G-E) — ay isang makapangyarihang paalala sa ating lahat:

Maaari tayong magtagumpay sa gitna ng unos. Kaya nating bumangon. At sa ating pag-ahon, matututo tayong tumingin paitaas—sa Panginoon.

The author, with Rhian

Some people find healing and inspiration in every phrase written in a song and every sound spoken straight to their ears. And if life is too noisy and you’re out of sync, you cling to the most basic yet powerful gift: music. Every period of life has an anthem, and each anthem holds hope.

Sa direksyon ni Mike Sandejas, The Sinagtala Movie ay tampok sina Rayver Cruz, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Matt Lozano, at Arci Muñoz—bawat isa ay may dalang sariling kwento ng sakit, pagkakawala, at muling pagtuklas ng sarili sa tulong ng musika at pananampalataya.

The Sinagtala Movie ay ipinalabas noong Abril 2, at hanggang ngayon, patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood. Ito ay produksyon ng Sinagtala Production.

Rhian Ramos visited the media at a blockscreening held in Gateway Cubao Cinemas last April 5, 2025.

Hindi ka nag-iisa. Hindi ka nakakalimutan. Ang bawat luha mo ay may kapalit na awitin ng pag-asa.

Author’s original blog post here: https://happyrichtv.blogspot.com/2025/04/the-sinagtala-movie-liwanag-musika-at.html

#TheSinagtalaMovie
#RiseAbove
#RougeBand
#MusikaNgPagAsa
#Inspirasyon
#KristoAngSentro
#LiwanagSaDilim
#PelikulangPilipino
#Sinagtala2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *